^

Probinsiya

3 mananahi patay sa carbon monoxide!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong mananahi ang nasawi makaraang makalanghap ng nakalalasong carbon monoxide sa isang bodegang patahian sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte nitong Miyerkules.

Sa ulat ni P/Lt. Col Florando Relente, Officer-in-Charge ng Palo Municipal Police Station (MPS), ang mga biktima na kinabibila­ngan ng dalawang lalaki at isang babae, pawang mananahi ng isang negosyante, ay natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa nasabing bodega sa Zone 6, Brgy. Campetic ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ang generator na kanilang ginagamit ay nagpro-prodyus ng carbon monoxide sa nasabing bodega na sarado umano at walang ibang bentilasyon na hinihina­lang siyang nakalason sa naturang mga biktima.

Nabatid na ang nasabing generator ay nasa tinutuluyan ng naturang mga mananahi.

Nadatnan na lamang ang tatlo ng kanilang mga kasamahan na hindi na gumagalaw at matigas na ang mga katawan.

Sinasabing madalas mag-brownout sa lugar kaya gumagamit ng gene­rator ang may-ari ng patahian.

LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with