^

Police Metro

Robin at Jonvic nagkatulakan

Malou Escudero - Pang-masa
Robin at Jonvic nagkatulakan
Senator Robin Padilla and Interior Secretary Jonvic Remulla clashed after Remulla allegedly barred Senator Pia Cayetano from entering the session hall on Thursday. The Blue Ribbon hearing with the 18 ex-Marines pushed through despite Senate President Pro Tempore Win Gatchalian’s announcement that there’s no session today.
Photos by Meanne Los Banos/News5

Pinipigilang pumasok ang 18 ex-Marines…

MANILA, Philippines — Nagkatulakan at nagkapisikalan sina Senador ­Robin Padilla at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Senado matapos subukang umanong harangin at pigilang makapasok ng kalihim sa session hall si Senadora Pia Cayetano sa lobby ng Senado nitong  Huwebes ng umaga.

Nangyari ito nang sinundo ni Sen. Pia ang ilan sa 18 ex-marines sa may lobby ng Senado na inimbitahan para dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa maanomalyang flood control projects.

Sinamahan ni Padilla si Cayetano at nanguna sa paglalakad ng grupo ­papunta sa may elevator kung saan nakasalubong nila si Remulla.

Nagkatulakan ang nagkasalubong na sina Padilla at si Remulla na sa kumalat na video ay mistulang pinipigalan ang pagpasok ng grupo. Matagumpay namang naipasok sa plenary hall  ang mga ex-Marines at kung saan ginanap ang pagdinig.

Nang tanungin si Remulla kung balak niyang harangin ang mga senador at ang mga dating marines, sinabi ni Remulla na solo lamang siya at pauwi na sana at wala naman siyang kasamang “police force” na manghaharang.

Naglalakad lamang aniya siya nang biglang sumulpot ang grupo at sinumulan siyang itulak.

Bagaman at sinabi ni Remulla na pauwi na sana siya noong umaga muli siyang nakita sa ikalawang palapag ng Senate building, ala-1:31 ng hapon na kausap naman si Sen. Loren Legarda sa may elevator.

Maririnig na tinanong ni Legarda si Remulla kung abogado ito at  sinabi pang ipapalipat  niya isa sa mga kasamahang senador upang maging 13 ang bagong majority bloc upang matapos na ang problema.

“Tapos magbotohan legal na sila. ‘Di ba tama?” sabi ni Legarda kay Remulla na sumagot naman ng: “That sounds better.”

Sinabihan din ni Legarda si Remulla ng: “next time you come to my office” na sumagot ng “okay.”

JONVIC REMULLA

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with