Ballot printing para sa BPE, sisimulan ng Comelec ngayong Hunyo

MANILA, Philippines — Nakatakda nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong buwan ng Hunyo ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota na gagamitin para sa Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) na idaraos sa bansa sa Setyembre 14, 2026.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito’y upang mabigyan sila ng sapat na panahon upang i-deploy ang mga opisyal na balota bago ang halalan.
Sinabi ni Garcia na ang inisyal nilang plano ay simulan ang pag-iimprenta ng mga balota sa Hulyo upang mai-deploy ito sa Agosto.
Gayunman, nagpasya aniya silang agahan ito at simulan na sa ikatlo o huling linggo ng kasalukuyang buwan.
Inaasahan naman aniya nilang matatapos ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.
Nabatid na mayroong 2,393,530 registered voters para sa kauna-unahang parliamentary polls sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
- Latest



















