^

True Confessions

Hiyasmin (253)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

GULAT na gulat si Mama Lira sa sinabi ni Siony ukol kay Rashid, ang ama ni Hiyasmin.

“Anong nalaman mo ukol kay Rashid, Siony,” tanong ni Mama Lira.

“Mula nang umalis ka sa pagsisilbi sa kanila, na­obserbahan ko ang mga nangyayari sa pamilya nina Rashid. Tuwing lumalabas­ ako para magtapon ng ba­sura, napapansin ko si Ra­shid na parang wala sa sarili.”

Hindi nakapagsa­lita si Mama Lira. Naguluhan siya.

“Pero nang umalis ako sa bahay nila, wala na roon si Rashid, Siony. Nasa kamag-anak na raw nakatira at dun na rin magtatrabaho. Sinabi sa akin ng ina ni Rashid.”

“Hindi totoo yun, Lira. Ilang araw maka­raan kang makaalis, dumating si Rashid. Kitang-kita ko ang pagbalik niya. Sinundo siya ng mga magulang niya.”

“Hindi totoong umalis si Rashid?”

“Oo.”

Natigilan si Lira. Kung ganun tama ang hinala niya na kaya nawala si Rashid ay dahil kusang inilayo ng mga magulang nito.

“Alam mo Lira, isang tanghali na inilabas ko ang basura, nakita ko si Rashid na lumabas ng bahay. Napansin ko, wala siya sa sarili. Parang tuliro siya!”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with