Mid-rise housing sa Malabon sisimulan na

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy na ang pagtatayo ng mid-rise socialized housing sa Guyabano St. Brgy. Potrero, Malabon City matapos na isagawa ang ground breaking kahapon sa nabanggit na lungsod.
Sa pangunguna ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, sinabi nito na layon niyang mabigyan ng maayos, ligtas at disenteng tirahan ang mga Malabueños na matagal nang residente sa lugar. Ani Sandoval, sisikapin niyang makagawa ng mga proyekto para sa pangarap ng Malabueños.
Nabatid sa City Housing and Urban Development Department (CHUDD) na ang itatayong pabahay ay alinsunod sa City Ordinance No. 05-2025 or An Ordinance Declaring the Forfeited Lot Covered by Transfer Certificate of Title No. T-126388 to be under the Socialized Housing Program and Land-for-the-Landless Program of the City Government of Malabon and for other Purposes.
Sinabi naman ng City Engineering Department na ang bawat gusali ay mayroong 4,066.5 square meters total gross floor area na may 10 kuwarto na may sukat na 24 sqm. bawat isa.
- Latest