Cinderella run tapos na

Eala kinapos kay Peguila
MANILA, Philippines — Tuluyan nang natuldukan ang magical run ni Alex Eala matapos lumasap ng 7-6 (7/3), 5-7, 6-3 kabiguan sa kamay ni world No. 4 Jessica Pegula ng Amerika sa semifinals sa Miami Open kahapon sa Miami, Florida.
Ngunit hindi basta-basta sumuko si Eala.
Inilabas nito ang 100 porsiyentong bagsik nito upang makipagsabayan sa buong panahon ng laro sa naturang WTA1000 event.
“I literally gave everything I had, I’m half tape, I’m like a mummy. I did everything and I have no regrets,” anang 19-nyos na si Eala na produkto ng Rafael Nadal Academy sa Mallorca, Spain.
Kinilangan ni Pegula ng dalawang oras at 24 minuto bago mapatalsik ang Pinay netter.
Nakipagsabayan ng husto si Eala sa bawat puntos na nakukuha nito kung saan aminado ang American netter na nahirapan ito dahil sa mahusay na larong ipinakita ni Eala.
Si Eala lang naman ang nagpatalsik sa kontensiyon sa tatlong Grand Slam chmpions na sina Jelena Ostapenko, Madison Keys at world No. 2 Iga Swiatek.
Aminado si Eala na dismayado ito sa resulta ng laro.
“Of course there is disappointment right after the match,” ni Eala.
Subalit mas nananaig ang positibong pananaw na dadalhin nito sa kanyang mga susunod na laban.
“But there are just so many times in tennis where you have to dig through the dirt to look for the positive and I’m just enjoying because there is so much positive around me and I don’t know how many times that happens,” dagdag ni Eala.
Umaasa si Eala na magtutuluy-tuloy ang magandng inilalaro nito sa mga susunod na torneong lalahukan nito.
“To have a week like this, the stars need to align and they did this week, and hopefully I can keep that up -- that is my goal now, to keep this up,” wika pa ni Eala.
Saludo si Pegula sa inilaro ni Eala sa buong panahon ng bakbakan.
Nakita ni Pegula ang determinasyon ng Pinay netter partikular na sa second set kung saan nakabangon ito mula sa 1-3 pagkakalugmok para maipuwersa ang third set.
Makakaharap ni Pegula sa finals si world No. 1 Aryna Sabalenka.
- Latest