^

PSN Showbiz

‘Iba ang may kredibilidad, hindi natitinag’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Kaloka 39 years na pala ang Pilipino Star NGAYON, Salve.

Wow, talagang matibay pa sa bato ang ating dyaryo.

Iba talaga ‘pag may kredibilidad, hindi natitinag at walang nakakatalo.

Sa rami ng fake news ngayon, mas pipiliin mo talagang magbasa ng mga totoong balita na may laman at hindi ka ipapahamak.

Ako, talagang super buy ako ng hard copy ng PSN, tuwing umaga ‘yan, at hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nagbasa.

Lahat ng ka­kilala kong kaedad ko, dyaryo talaga ang binabasa, hindi nagbababad sa social media.

Iba ang pakiramdam nila ‘pag may hawak na dyaryo, nababanguhan sila.

Hahaha. Ganun.

Kaya congratulations, Sir Miguel Belmonte, sa aking editor na si Salve at lahat ng staff ng PSN at pati na rin Pang Masa.

Sana ay umabot pa kayo ng 100 years.

Bongga ‘di ba. Hahahaha.

KC at Aly, ‘di na nagtatago!

Bongga sina KC Concepcion at Aly Borromeo. Hindi na nila tinatago ang relasyon nila.

Kung sabagay wala naman talaga silang dapat itago dahil pareho naman silang single at kita naman kung gaano kasaya ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Isa talaga ako sa nagwi-wish na sana si Aly na ang forever ni KC para mabigyan na rin niya ng apo ang pa­rents niya lalo na si Sharon noh.

Siguradong maganda at gwapo ang magiging anak nila.

Sayang naman ang lahi. ‘Kaloka.

Kaya go lang, KC, kung saan ka masaya para bongga.

PM

PSN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with