^

Probinsiya

Higit 300 bikers umarangkada sa West Philippine Sea Fun Bike, motorcade sa Palawan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 300 katao mula sa iba’t ibang sektor ang lumahok sa isinagawang West Philippine Sea (WPS) Fun Bike at motorcade campaign na inilunsad ng AFP-Western Mindanao Command sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Linggo.

Sinabi ni Vice Admiral Alfonso Torres Jr., Commander ng AFP-Westcom na ang nasabing aktibidad ay bilang inisyatibo ng kanilang command upang gisingin ang publiko para suportahan ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at soberenya sa WPS.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na agresyon at pambu-bully ng China sa Pilipinas at sa mga kaagaw nitong bansa sa nasabing pinag-aagawang teritoryo.

Nabatid na ang motorcade ay nagsimula sa AFP-Westcom grandstand sa Brgy. San Miguel ng lungsod dakong alas -6 ng umaga na nilahukan ng mga bikers mula sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at maging ng non-government groups.

Ang motorcade ay bumaybay sa mga pangunahing kalsada sa Puerto Princesa City na kinabibilangan ng Barangay San Jose, New Market, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City Hall, Balayong People’s Park, Abanico Road, Malvar Road, Baywalk Park, Roxas Street, Manalo Street, Barangay Bancao-bancao, the old airport, Rizal Avenue, Palawan Provincial Capitol at iba pa kung saan ang huling destinasyon ay ang pagbabalik sa AFP-Westcom grandstand.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni Torres ang kahalagahan ng adbokasya para ipaunawa sa publiko na suportahan ang laban sa soberenya ng bansa at integridad ng teritoryo sa WPS.

Magugunita na una nang nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga Pinoy na magboluntaryo sa Philippine Coast Guard Auxiliary at makiisa sa laban ng Pilipinas sa 200 milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) sa pinagtatalunang teritoryo .

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->