PSN Anniversary: Liga Ngayon 3x3 didribol sa Quezon City
MANILA, Philippines — Sisiklab ngayon ang inaabangang PSN Anniversary: Liga Ngayon 3x3 basketball tournament na inihahandog ng Pilipino Star NGAYON sa pakikipagtulungan kay Quezon City Councilor Mikey Belmonte.
Magpapambuno ang limang tropa para sa premyo at karangalan sa Freedom Park Covered Court sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.
Premyong P20,000 ang pag-aagawan ng mga 3x3 teams habang ang magtatapos sa second place ay tatanggap ng P15,000 at P10,000 para naman sa pupuwesto sa third place ng nasabing one-day event.
Si Belmonte ang personal na mag-aabot ng mga premyo pati na sa tatanghaling Most Valuable Player at ang mga mapapabilang sa Mythical Three.
Ang mga tropang makikipagkiskisan sa loob ng court ay ang Cavite Team, Laguna Team, Manila Team, Batasan Hills Team at Batangas Team.
Ang event ay itinataguyod ng J&T, Mondelez, SMC, SM Supermalls, SM Foundation at Bingo Plus.
- Latest