^

Punto Mo

Puwede bang sapilitan ang pagreretiro?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Pinagreretiro na po ako ng kompanya ko, pero 60 years old pa lang ako. Puwede ba akong piliting magretiro kung wala pa naman akong 65-anyos? —Gary

Dear Gary,

Nakasaad sa Labor Code na 60 years old ang optional retirement age samantalang 65 years old naman ang edad para sa compulsory o sapilitang pagreretiro. Ang mga nabanggit ay applicable lamang kung walang sariling retirement plan ang kompanya. Kung mayroon naman ay malaya ang employer na magtakda ng ibang edad para sa optional at compulsory retirement.

Ibig sabihin, maaring maging mas mababa sa 65 years old ang compulsory retirement age sa isang kompanya kung ito ang itinakda ng kanilang retirement plan.

Kung wala namang retirement plan ang kompanya at tanging batas lamang ang magiging batayan ay hindi puwedeng pilitin na mag-retire ang isang wala pa sa 65-anyos. Ayon sa Korte Suprema sa De Leon v. NLRC [188 Phil. 666 (1980)], ang pagreretiro, katulad ng pagre-resign, ay boluntaryo kaya kung ito ay sapilitan ay maaring sabihin na tinanggal ang empleyado kung pinagretiro siya ng labag sa kanyang kagustuhan.

Kung may retirement plan naman at ang compulsory retirement ay mababa sa 65 anyos, kailangang malinaw na pumayag ang empleyado sa nasabing retirement plan. Ayon sa Supreme Court sa kaso ng Laya v. Philippine Veterans Bank (850 SCRA 315, 341-342), upang maging saklaw ng retirement plan ang isang empleyado, kabilang na ang mga probisyon nito ukol sa edad para sa compulsory retirement, ay kailangang malinaw ang consent o pagpayag ng empleyado na siya ay maisailalim nito. Kailangang boluntaryo at walang pilitang nangyari sa kanyang naging pagpayag.

Ibig sabihin, hindi maaring pilitin ang isang empleyado na magretiro ng mas mababa sa 65 years old base sa retirement plan ng kompanya kung hindi naman siya pumayag na maisailalim ng nasabing retirement plan.

Hindi mo nabanggit kung ano ang basehan ng pagpaparetiro sa iyo ng kompanya mo. Kung base ito sa retirement plan ng kompanya at pumayag ka namang maging covered nito ay wala kang magagawa kundi sumunod sa nasabing retirement plan. Ngayon, kung (1) hindi ka naman pumayag na maging saklaw ng nasabing retirement plan, o (2) kung wala namang probisyon ang nasabing retirement plan para sa compulsory retirement na mas mababa sa 65 years old, o kung (3) wala namang retirement plan ang kompanya, ay hindi ka nila maaring piliting magretiro sa edad mo ngayon. Kung ipipilit nila ang pagreretiro mo ay masasabing may illegal dismissal, na maaring maging basehan ng reklamo sa DOLE o sa National Labor Relations Commission.

vuukle comment

RETIREMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with