^

Bansa

2 biktima ng ‘trafficking’ na-rescue sa KOJC compound

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 biktima ng �trafficking� na-rescue sa KOJC compound
This photo shows policemen from the Philippine National Police Region XI in a raid inside Apollo Quiboloy's compound in Davao City.
Facebook / Presidential Tracker

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga awtoridad ang dalawang indibiduwal na pinaniniwalaang biktima ng  human trafficking sa kasagsagan ng pagsalakay sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City habang isinisilbi ang arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Police Major Catherine dela Rey, spokesperson ng PRO 11, ang babaeng nasagip ay ina na pina-rescue ng kanyang mga anak na taga-Midsayap, Cotabato.

Nasa 21-anyos naman ang lalaki na hiniling ng kanyang mga magulang sa Samar dahil ayaw umano siya pauwiin.

Matagal na umanong nais na umalis sa KOJC ang dalawa subalit pinipigilan ng mga namamahala dito.

Ang pag-rescue ay nangyare kasabay ng pagsisilbi ng warrant of arrest kay Pastor Apollo Quiboloy at apat pang kapwa nito akusado ng PRO 11 sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dinala naman na ang dalawang biktima sa RWCPD XI para sa interview at documentation.

Samantala, itinanggi naman ni KOJC legal counsel Atty. Israelito Torreon ang alegasyon na sangkot ang KOJC sa human trafficking.

Umapela ito sa PNP na tigilan na ang  harassment dahil wala umano silang karapatan na manatili sa KOJC compound.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with