^

Pang Movies

Vice, umalma sa pagkampi sa nanay ni Caloy!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, umalma sa pagkampi sa nanay ni Caloy!
Vice Ganda

Inalmahan ni Vice Ganda ang akusasyon ng netizen na mas kinakampihan niya ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

Ayon sa netizen, disappointed siya kay Vice Ganda dahil sa pagkampi nito kay Angelica at sana raw ay huwag mag-guest si Carlos sa It’s Showtime.

“CONFIRMED.  Vice supports Angelica’s side nga. Im so disappointed in you @vicegandako. I hope Carlos Yulo doesnt bother to guest sa showtime,” tweet ng isang X (dating Twitter).

Mabilis na nag-react ang Unkabogable Star at itinanggi ang akusasyon. Aniya ay never siyang nakisawsaw sa problema ng pamilya ni Carlos.

“Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya,” paglilinaw ni Vice.

Sa isang episode kasi ng EXpecially For You ng It’s Showtime ay nagkomento si Vice na mahirap raw kapag may problema sa pamilya na base naman sa karanasan ng isang contestant.

“Mahirap ‘yung hindi ka okay sa family. Napakahirap,” ani Vice.

Dagdag pa niya, “Mas parang, kung iisipin mo, mas mahirap pa ‘yan sa makakuha ng gold sa Olympics, ‘di ba?”

At dahil nga sa sinabing ito ni Vice ay marami ang naka-misinterpret sa kanya at inisip na kampi siya sa ina ni Carlos.

December…, natakot sa MOA!

First time ng December Avenue na mag-concert sa malaking venue tulad ng MOA Arena na gaganapin sa Aug. 30, 2024. Kaya naman aminado silang natatakot sila noong una.

Biro nga ng bass guitarist na si Don Gregorio sa ginanap na mediacon last Tuesday sa Okada Manila, “sabi ko nga sa kanila, ‘pag walang bumili, tayo na lang ang bumili ng tiket, tapos, pamimigay namin.”

Ayon naman sa vocalist na si Zel Bautista, “mayroon talagang fear sa amin when we learned about na we’re gonna perform sa MOA.”

Pero very thankful sila sa producer nilang si Nancy Yang of NY Entourage Productions sa tiwalang ibinigay sa kanila lalo’t hindi biro ang production cost ng concert.

“When our manager Koi ay kinausap si Miss Nancy about it, naging confident na rin kami. Of course, Miss Nany is a legendary producer, so, kung baga, parang nagkaroon na rin kami ng confidence na ‘okay, this is serious, we’re gonna make it, we have to make it,’ parang ganu’n.

“Pero from the start, natatakot talaga kami kasi we’re not really expecting to make money out of it, to sell tickets. We just wanted to celebrate our existence for 15 years. ‘Yun lang talaga ang goal namin,” pahayag ni Zel.

Pero laking gulat nila na nang ilabas ang tickets, within two hours ay 65% na agad ang nabili at sa ngayon ay sold out na ito.

Kaya nagdesisyon ang producer na magbukas ng SRO section para sa gusto pang bumili ng tickets.

Titled Sa llalim Ng Mga Bituin, the concert commemorates December Avenue’s 15th year in the business.

Symbolically, their name represents the last month of the year - December, which is an avenue towards a new year and new life.

December Avenue is composed of Zel Bautista on vocals and acoustic guitars, Jet Danao on drums and backing vocals, Don Gregorio on bass guitar, Jem Manuel on lead guitars, and Gelo Cruz on keyboards and backing vocals.

Ididirehe ni Paolo Valenciano ang Sa Ilalim Ng Mga Bituin concert.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with