^

PSN Palaro

PSC aktibo sa kanilang national grassroots agenda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagpapatuloy ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) ang kanilang natio­nal grassroots agenda sa ba­wat rehiyon sa buong bansa.

“In every summit we attend, I always stress the crea­tivity that every coach can play in producing new Olympians. All of you here, as ordinary coaches, are able to  breed champions,” ani PSC Commissioner Ed­ward Hayco sa pagbisita niya sa Kidapawan City.

Isa sa mga main topic na tinalakay sa mga idinaos na sports summit ay ang le­gal basis na maaaring ma­gamit ng isang sports lea­der sa pagkuha ng suporta mula sa kanilang mga local government units.

Sa Cotabato province ay damang-dama ang suporta ng kanilang LGU sa grassroots program.

Ayon kay Kerwyn Pacifico, ang kintawan ng Cota­bato Provincial Advisory Council for Sports, na ginagastusan ng probinsya ang kanilang mga local athletes.

Kaya naman sa naka­raang 2023 Batang Pinoy ay umakyat sa 25th overall ang Cobatato Province mu­la sa 71st placing noong 2022.

“Dito sa amin, basta mag-qualify ka, for training ka na. Walang palakasan. We provided them vitamins, pagkain, allowance, jackets, and mga equipment,” wika ni Pacifico.

Noong 2023 Batang Pi­noy ay ku­molekta ang pro­binsya ng 12 golds, 13 silvers at 17 bronzes.

vuukle comment

PHI­LIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest