^

Metro

Isko payag sa mga protesta Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Huwag lang manira, magkalat

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso malugod nilang tinatanggap ang mga nagpoprotesta basta tiyaking mapayapa at walang paninira o kaguluhan.

Ang pahayag ay ginawa ni Domagoso sa command conference ng Manila Police District (MPD) kung saan sinabi nito na mataas ang tolerance ng lungsod sa mga rally, ngunit may hangganan ito kapag may nangyaring kaguluhan.

Nabatid na isang Interfaith Rally Against Corruption ang isasagawa ng grupong United People Initiative (UPI) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ngayong araw mula alas-3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi.

Bagamat malayang makapagdaos ng pagtitipon sa mga itinakdang Freedom Parks nang walang pahintulot mula sa City Hall, may ilang lugar na nangangailangan ng permit.

Binigyang-diin ng alkalde na kaakibat ng karapatan sa malayang pagpapahayag ang responsibilidad kay hinikayat niya ang mga raliyista na panatilihing malinis at mapayapa ang kanilang mga pagkilos at igalang ang karapatan ng ibang Manileño na malayang makadaan at makapagpatuloy sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Pinuri rin niya ang pamunuan ng MPD, sa pangunguna ni Acting District Director PBGen. Arnold C. Santiago, dahil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Maynila.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with