^

Metro

Seguridad ng higit 10K establisimyento sa Quezon City, tiniyak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ininspeksiyon at binisita ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasa 10,888 iba’t ibang establisimyento sa lungsod mula Mayo 29 hanggang Hunyo 5, 2026 bilang bahagi ng pinaigting nitong ­kampanya laban sa kriminalidad at para sa mas ligtas na komunidad.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio, layon ng Target Hardening Program na palakasin ang police visibility, pigilan ang mga krimen, at higit pang pagtibayin ang pakikipagtulungan ng kapulisan sa sektor ng negosyo.

Pinaalalahanan ni ­Silvio ang mga negosyo na mahigpit na ipatupad ang Quezon City Helmet Ordinance, na nag-uutos sa mga rider at backrider na alisin ang kanilang helmet bago pumasok sa mga establisi­myento at ilang pampublikong lugar sa lungsod.

Nagbigay rin ito ng paalala sa mga gasoline station na maging mapagmatyag laban sa mga insidente ng “gas-and-run” at tiyaking nasusunod ang “pay-before-pump” policy upang maiwasan ang panlalamang at iba pang paglabag.

Pinakamaraming pagbisita ang naitala ng Novaliches Police Station 4 na may 1,144, sinundan ng Batasan Police Station 6 na may 990 at Eastwood Police Station 12 na may 813.

Hinimok din ng QCPD ang mga may-ari at empleyado ng mga establisimyento na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, E911, o QC Helpline 122 ang anumang kahina-hinalang kilos, alarm incident, o iba pang pangyayaring maaaring makaapekto sa kapayapaan at kaayusan.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with