Police visibility ngayong Holiday Season sa CAMANAVA area, sapat - NPD chief
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan na sapat ang ikakalat nilang mga pulis sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ayon kay Ligan, bagama’t inaasahan ang kaliwa’t kanang mga selebrasyon, nakaantabay pa rin ang mga pulis sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. Naglabas na rin siya ng kautusan sa kanyang apat na chief of police para sa police visibility.
Kasabay ng isinagawang Christmas Lighting Ceremony sa NPD Headquarters nitong Biyernes, sinabi ni Ligan na ang Pasko ay mananatiling simbolo ng pag-asa, pagkakaisa at kasiyahan ng bawat Pilipino.
Ani Ligan, kaisa ng mga residente ng CAMANAVA ang mga pulis na 24/7 na magsasagawa ng pagpapatrol sa mga lansangan partikular sa mga matataong lugar.
Sa katunayan, nakikipag-ugnayan sila sa mga negosyante o may-ari ng mga establisimyento upang maiwasan ang anumang krimen ngayong Holiday Season.
- Latest