1 dedo, 6 kritikal sa karambola ng sasakyan sa Skyway
MANILA, Philippines — Isa ang patay habang anim ang nasa malubhang kalagayan nang masangkot ang kanilang sasakyan sa karambola, nang mawalan ng preno ang isang Isuzu truck, sa Skyway sa Grade Southbound, bahagi ng Barangay Sun Valley, Parañaque City, Biyernes ng gabi.
Nagsasagawa pa ng beripikasyon para ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkilanlan ng nasawi at mga sugatan.
Inaresto ang driver ng Isuzu Truck na si Sonny Palen, 53, na mahaharap sa reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Multiple Physical Injury with damaged to properties.
Sa ulat ng SLEX Sub-Office kay PCol. Joel Jucutan, hepe ng Regional Highway Patrol Unit-National Capital Region (RHPU-NCR), dakong alas -7:45 ng gabi ng Disyembre 6 nang maganap ang insidente sa nabanggit na bahagi ng Skyway.
Sa inisyal na imbestigasyon, pawang patungong southbound direction ang mga sangkot na sasakyan na nasa left most lane nang mawalan ng preno ang Isuzu truck at nabundol ang Isuzu Dmax, na sa lakas ng impact ay nabundol naman ang Mitsubushi L300, kawasaki ninja, GAC SUV at mitsubishi mirage.
- Latest