^

Metro

Marawi City Vice Mayor inaresto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bisa ng warrant of arrest si Marawi City Vice Mayor Annouar Romuros Abedin Abdulrauf dahil sa kasong murder kamakalawa ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan RTC Presi­ding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria Regional Trial Court Branch 121, inaresto si Abdulrauf nitong Lunes, Disyembre 2, 2024.

Ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang Task Force Marawi, Marawi City Police Station, at militar ay nagsilbi ng warrant laban sa bise alkalde sa compound ng City Hall.

Nakatakdang i-turn over ang opisyal sa korte na naglabas ng warrant.

Hindi naman ibinun­yag ng mga awtoridad ang mga detalye ng kaso.

MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with