^

Metro

Estudyante utas sa rambol sa resort!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Estudyante utas sa rambol sa resort!
Dead-on-arrival sa Bernardino Hospital si Kurt Brian Zamora Villoria, ng Brgy. 177, Caloocan City habang isinugod sa Tala Hospital ang mga sugatang suspek sina Justine Renan Bormante, 20, tricycle driver; Jamil Jocson, 18; pawang taga-Caloocan City at isang alyas “Yel”, 15.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang estudyante habang tatlo naman ang sugatan sa nakalaban nitong grupo ng mga kabataan na humantong sa rambol habang nasa resort kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Bernardino Hospital si Kurt Brian Zamora Villoria, ng Brgy. 177, Caloocan City habang isinugod sa Tala Hospital ang mga sugatang suspek sina Justine Renan Bormante, 20, tricycle driver; Jamil Jocson, 18; pawang taga-Caloocan City at isang alyas “Yel”, 15.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3 ng madaling araw habang nasa Aquaboy Resort sa Oriole Street corner Flamingo Street, Zabarte Subdivision, Brgy. Kaligayahan, ang biktima kasama ang iba pang mga kaibigan nang kanilang makasagutan ang grupo ng mga suspek na nasa 30, pawang miyembro ng True Brown Style (TBS).

Kasunod nito, lumabas ng resort si Villoria kasama ang isang kaibigan upang hintayin ang isang babaeng kaibigan nang lapitan at komprontahin ng ilan sa mga suspek. Dito na nagsimula ang rambulan hanggang sa bumunot ng patalim si alyas “Gelo” at pinagsasaksak si Villoria.

Agad na rumes­ponde ang mga awtoridad subalit mabilis na nagpulasan ang mga suspek habang nakorner ang iba.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Luilei Tanghal Arama, 20, estudyante; Drew Cesar Sikal Labastiga, 30; Allan Leambre Ortido,38, construction worker;   Bormante;  Jocson at  menor-de-edad na si “Yel” habang pinaghahanap pa si Angelo Aton alyas “Gelo”, 20,  ng Bueno St. Brgy 174 Camarin Caloocan City.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with