^

Metro

Sanggol ibinenta ng P40K sa online, ina arestado!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sanggol ibinenta ng P40K sa online, ina arestado!
Ayon kay PNP-ACG spokesperson Lt. Wallen Mae DS Arancillo, nabuking ang transaksiyon ng suspek sa isinagawang cyberpatrol ng mga tauhan ng ACG  sa isang social media platform at inaalok ang mga interesadong magkababy.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

MANILA, Philippines — Arestado sa entrapment operation ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG) ang isang nanay na ibinenta ang kanyang sanggol sa online sa halagang P40,000 kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ayon kay PNP-ACG spokesperson Lt. Wallen Mae DS Arancillo, nabuking ang transaksiyon ng suspek sa isinagawang cyberpatrol ng mga tauhan ng ACG  sa isang social media platform at inaalok ang mga interesadong magkababy.

Sinabi ni Arancillo na nakipagkasundo ang cyber cops sa suspek sa halagang P40,000.

Ikinasa ang entrapment operation sa isang lying-in clinic sa Caloocan City at agad na pinosasan ang ginang at na-rescue ang sanggol.

Lumilitaw sa imbestigasyon na kapapanganak pa lamang ng suspek nitong Lunes, Setyembre 23 at nagpasya siyang ibenta ang kanyang beybi dahil hindi umano niya ito kayang buhayin. Katuwiran niya, kaila­ngan niya ang pambili ng maintenance na gamot para sa kanyang ama na may sakit.

Binigyan diin ni Arancillo na ang kanilang operasyon ay bunsod ng utos ni PNP-ACG director Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga na paigtingin ang kampanya laban sa talamak na bentahan ng mga sanggol sa online.

“We have been recei­ving reports about rampant online selling of babies so our Director (Cariaga) ordered all our personnel to intensify the monitoring, intelligence-gathering and operation to address this problem,” ani Arancillo.

 Nabatid pa kay Arancillo na may 3,500 followers ang Facebook page kung saan naka-post ang pagbebenta sa sanggol bukod pa ang abortion.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with