^

Metro

MMDA enforcer, utas sa sagasa ng SUV sa EDSA!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
MMDA enforcer, utas sa sagasa ng SUV sa EDSA!
Idineklarang dead-on-the-spot ang em­pleyado ng MMDA na hindi na pa pinangalanan matapos na makipag-ayos umano ang nakasagasang driver ng SUV na naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3.
The STAR / Miguel De Guzman

Habang nagsasagawa ng clearing ops

MANILA, Philippines — Patay ang isang 65-anyos na empleyado ng Metro Parkway Clearing Group (MPCG) ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) matapos na sagasaan ng driver ng isang SUV at makaladkad habang nagsasagawa ng clearing operations kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-the-spot ang em­pleyado ng MMDA na hindi na pa pinangalanan matapos na makipag-ayos umano ang nakasagasang driver ng SUV na naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3.

Sa report kay PCapt. Napoleon Cabigon, hepe ng QCPD Traffic Sector 3, bandang alas-2:45 ng madaling araw nitong September 21 nang maganap ang insidente sa EDSA P. Tuazon tunnel sa lungsod.

Abala umano sa pagmamando ng trapiko ang biktima sa lugar para abisuhan ang mga paparating na motorista na may isinasagawa silang clearing operation o paglilinis ng tiles sa pader ng tunnel pero bigla na lamang dumire-diretso ang kulay puting SUV sa lane kung saan nakatayo ang biktima hanggang sa masagasaan ito at makalakad pa ng may ilang metro ang layo.

Agad na hinabol ng mga kasamahan ng biktima ang SUV at nakorner ito pagsapit sa Cubao Exit.

Sa pahayag naman ng SUV driver sa pulisya, nakaidilip umano siya kaya hindi niya napansin ang mga traffic cone at mga warning device na inilagay sa kalsada upang i-cordon ang isang lane, kung saan nagmamando ng trapiko ang biktima.

Nangako naman si MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go na kanilang tutulungan ang pamilya ng biktima bagama’t nagkaareglo na umano ang magkabilang panig.

vuukle comment

MMDA

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with