^

Metro

Binata, tinodas sa Paresan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang binata nang makaalitan ang isang customer sa isang Paresan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Reson Pajuelas Ultra, 19 residente ng Brgy. Gulod, Novaliches ng na banggit na lungsod.

Batay sa imbesigas­yon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen dakong ala-1:13 ng madaling araw sa isang Paresan sa kanto ng Quirino Highway at Fo­rest Hill Drive sa naturang barangay.

Pumasok sa Paresan ang biktima kasama ang kanyang lolong si Edgar Ultra na kapwa lasing upang kumain.

Makalipas ang isang minuto, dumating din ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa saksi nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa kanilang inorder na pagkain si Reson at mga suspek na humantong sa suntukan.

Kasunod nito, pinagtulungan nang bugbugin at saksakin ng dalawang suspek si Reson gamit ang isang gunting.

Nang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Gonzales at Sta. Barbara Sts.

Dinala naman agad ang biktima sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Lumilitaw sa cursory examination na nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima.

Nagsasagawa ng follow up investigation ang pulisya kabilang ang pangangalap ng CCTV footage para sa ikadarakip ng mga suspek.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with