^

Metro

Koreanong wanted sa telecom fraud, timbog ng BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Koreanong wanted sa telecom fraud, timbog ng BI
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, si Lee Seul Ki, 37, ay inaresto noong Hulyo 11 sa kanyang condominium unit sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga ang isang South Korean fugitive, na wanted sa mga pulis dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, si Lee Seul Ki, 37, ay inaresto noong Hulyo 11 sa kanyang condominium unit sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.

Ani Tansingco, si Lee ay dinakip sa bisa ng mission order na inilabas niya rito, base na rin sa kahilingan ng South Korean government na humingi ng tulong sa BI upang siya ay maaresto.

Sa travel database ng BI, nadiskubre na si Lee ay dumating sa bansa noong Mayo 26, 2016 at hindi na muling umalis pa.

Ayon sa BI-Interpol, si Lee ay subject ng isang arrest warrant na inisyu ng central district prosecutor’s office sa Seoul at Nambu district court noong Pebrero 17, 2017. Siya ay miyembro umano ng voice phishing syndicate, na nagpanggap na police officer o financial advisor sa mga nabiktima nito upang makuha ang kanilang personal bank data at makapaglipat ng pera sa kanyang sariling bank account. Nasa mahigit 178 million won o halos US$130,000 ang natangay ni Lee mula sa kanyang mga biktima.

Ang pasaporte ni Lee ay kinansela na ng Korean government, kaya’t ikinokonsidera na siya bilang undocumented alien.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with