^

Metro

3 hackers ng government website, huli ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 hackers ng government website, huli ng NBI
Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang tatlong naarestong umano’y hackers ng government websites matapos mahuli sa magkasunod na operasyon, kahapon sa NBI headquarters sa Quezon City.
Courtesy: NBI

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong umano’y nasa likod ng pag-hacked ng mga government websites.

Iniharap ni NBI director Jaime Santiago ang tatlong suspek kabilang ang isang “Newbiehacker” na sinasabing may hawak na file na code-protected at naglalaman ng sensitibong impormasyon mula sa data base ng Philippine Navy.

Sinabi ni Santiago, na ang data ay naipadala sa kanya ng isang “Haxinja” na mayroon ding access code para sa naturang data.

Sa ilalim ng superbisyon ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD), ang confidential informant at si Haxinja ay nakipag-ugnayan sa telepono at nakipagkasundo na magtutulungan para sa isang proyekto na tinawag na “E-Commerce Website”.

Kinumpirma ni Haxinja na hawak niya ang pass code para ma-access ang Philippine Navy file at maibibigay sa kanilang meeting na naitakda nitong July 16, 2024 sa Cagayan de Oro City.

Sa pinaigting na utos ni Santiago, nagsagawa ang NBI-CCD sa koordinasyon sa NBI-NEMRO at Philippine Navy ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ni “Haxinja” makaraang ibigay ang access sa naka-hacked na file na kumpirmadong isang confidential document.

Ang ibang files sa flash drive ng suspek ay naglalaman ng iba’t ibang mga dokumento ang litrato na nakuha mula sa data base ng Philippine Navy.

Iniulat din ni Santiago na may isa pang hacker na si  “D4rkJ1n” ay nahuli naman sa Cubao, Quezon City ng CCD operatives.

Unang nagsagawa ng operasyon ang NBI-CCD laban kay “D4rkJ1n” na nag-oopisina sa EDSA, Makati. Nang dumating ang mga NBI agents sa lugar ni “D4rkJ1n” ay nagtangka siyang tumakas sakay ng isang motorcycle taxi pero matagumpay na nahuli sa may intersection ng EDSA at Main Avenue, Cubao.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with