^

Metro

Rider todas sa criminology student

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Rider todas sa criminology student
Dead-on-the-spot ang biktimang si John Mark Robedillo, 19-anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Jimmuel Rafael Bautista, 19.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang delivery rider ang patay nang barilin nang malapitan ng umano’y criminology student nitong Lunes ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si John Mark Robedillo, 19-anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Jimmuel Rafael Bautista, 19.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni Caloocan City Police Investigation Division chief PMaj. Jansen Tiglao, nangyari ang krimen dakong alas-9 ng gabi sa Gen. Tirona St. Barangay 144, Caloocan City.

Nakunan ng CCTV ang pagdaan ng biktima na magde-deliber ng pagkain kasama ang kanyang live-in partner.

Dito ay lumitaw sa likuran ng biktima ang suspek na si Bautista at binaril ang una sa ulo ng ilang ulit saka tumakas gamit ang motorsiklo ni Robedillo.

Lumilitaw na nagkaroon ng alitan ang biktima at suspek nang matalo sa sugal ng una ang huli sa isang lamayan. Nais ng suspek na mabawi ang perang natalo subalit hindi pumayag ang biktima.

Pinaghahanap pa rin ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with