^

Metro

Lalaki utas sa road rage, utol sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kapatid nito nang saksakin ng isa sa mga suspek na kanilang nakagitgitan­kamakalawa ng gabi sa San Juan, Batangas.

Dead-on-arrival sa San Juan Doctors Hospital ang biktimang si Michael Baldeo Birtania, 37-anyos, habang ino­obserbahan ang kuya nitong si Adrian, 38; kap­wa residente ng Brgy. Palingowak ng nasabing bayan.

Nakilala naman ang mga suspek sa panga­lang “Roldan”, “Victor” at isang “John Doe” na pawang residente ng Brgy. Poctol, San Juan, Batangas.

Sa imbestigasyon ng Batangas Provincial Office, alas-9:10 ng gabi habang sakay ang magkapatid na biktima ng tricycle nang makaalitan nila sa daan ang mga suspek na sakay naman ng motorsiklo sa Brgy. Poctol, San Juan.

Nasilaw umano sa ilaw ng tricycle ang mga suspek na kanilang ikinairita hanggang sa magkompontrontahan at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Michael at Roldan na humantong sa pananaksak ng una sa huli.

Sumaklolo naman sa kanyang nakababatang kapatid na si Adrian subalit maging siya ay inundayan din ng saksak ni Roldan.

Nang kapwa duguang humandusay ang magkapatid ay mabilis na tumakas ang mga suspek na tinutugis na ng mga awtoridad.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with