^

Probinsiya

119 patay sa dengue, 21,357 kaso naitala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
119 patay sa dengue, 21,357 kaso naitala
Sa report, sinabi ni Dr. Van Philip Baton, Officer-in-Charge Chief ng DOH-7 Local Health Support Division, ang nasabing bilang ng mga nasawi at tinamaan ng sakit na dengue mula sa kagat ng may virus na lamok ay naitala mula Enero hanggang sa buwang kasalukuyan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 119 katao ang naitalang nasawi habang nasa 21,357 naman ang dinapuan ng peligrosong sakit na dengue ngayong taon, ayon sa report ng Department of Health (DOH) Region 7. 

Sa report, sinabi ni Dr. Van Philip Baton, Officer-in-Charge Chief ng DOH-7 Local Health Support Division, ang nasabing bilang ng mga nasawi at tinamaan ng sakit na dengue mula sa kagat ng may virus na lamok ay naitala mula Enero hanggang sa buwang kasalukuyan.

Dahil dito, muli namang nag-abiso si Baton sa kahalagahan nang maagang pagsusuri at tamang pangangasiwang klinikal lalo na sa mga bulnerableng grupo tulad ng mga bata at mga senior citizen. Inihayag ni Baton na mahalagang masuri nang tama ng mga pasyenteng may sintomas para matukoy ang kailangan ng mga itong hydration, mahigpit na pagmo-monitor.

Base sa data ng DOH Region VII, nasa 21,357 kaso ang dinapuan ng dengue sa rehiyon at 119 ang nasawi na nairekord hanggang nitong Nobyembre 14 na katumbas ng 0.6 porsyentong case fatality rate at malaking pagtaas mula 2025 na may 10,881 kaso at 23 nasawi.

Samantalang kabilang naman sa mga nasawi ay 42 katao sa Bohol, 40 sa Cebu, 22 sa Cebu City, walo sa Lapu-Lapu City, at pito sa Mandaue City habang sa Cebu ay pinakamataas ang bilang ng mga kaso sa Talisay City na nasa 916 katao ang impeksiyon at pito ang nasawi, pangalawa ang Toldeo City na may 847 na tinamaan kabilang ang 2 nasawi habang sa Medellin ay 554 na kaso at dalawa rito ang nasawi.    Sa Bohol, nanguna ang Tagbilaran City na may 610 kaso na nasa 5 ang nasawi, Talibon na may 407 na may 5 nasawi, at Inabanga na may 405  at isa ang namatay.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with