Mister todas sa lover ni misis
MANILA, Philippines — Namilit makipag-sex tang komprontasyon kahapon ng madaling araw sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon.
Sa ulat ni PLt. Col. Marcelino Platino, OIC chief ng Lucena Component City Police Station, alas-3:30 ng madaling araw ay nagtungo ang biktimang si alyas “Mark” sa bahay ng kapatid ng kanyang dating asawa at pinuntahan ang babae sa silid nito.
Lasing umano ang biktima at pinilit sumiping sa dating asawa at nang tumanggi ang babae ay pinuwersa at sinuntok pa umano ito sa mukha ng dating mister.
Dahil dito, tinawagan ng babae ang bagong kinakasama na si alyas “Kevin,” na agad namang dumating sa lugar.
Nang lumabas ang biktima na may dalang kutsilyo, inagaw ito ng suspek at ipinangsaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng una.
Nang duguang bumulagta ang biktima ay agad na tumakas ang suspek na tinutugis na ng pulisya.
- Latest
















