^

Pang Movies

Acclang may jowa, ayaw madungisan ang imahe!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Dinadala ng isang sikat na acclang personality ang boylet na natataypan niya sa isa niyang bahay na hindi kasama ng kanyang partner.

Kahit kasi may partner na si accla, naglalandi pa rin siya ng natataypang lalaki!

Hindi niya nga lang puwedeng dalhin ang boylet sa tinitirhan niya ngayon dahil lagi roon ang partner niya. Gusto ni accla na clean ang image niya sa partner! Clean? Hahaha!

‘Yan ang galawan ni accla na dahil mayaman at sikat, madali siyang makabingwit ng lalaki!

Viva one, may TV na!

Binuksan na ang bagong era ng entertainment sa paglulunsad ng Viva One: The New TV sa engrandeng selebrasyon noong Lunes nang gabi sa Tektite Building Auditorium sa Pasig City.

Bitbit ang ilang dekada sa entertainment industry, patuloy ang pag-evolve ng Viva One. Higit pa sa traditional streaming ang inihahatid nito sa pamamagitan ng pagsasama ng mga original series at blockbuster movies hanggang sa concerts, foreign titles, documentaries at exclusive content, layunin ng Viva One na maging main destination ng kasalukuyang henerasyon, na may content na mapapanood anumang oras at saan man. “Streaming is no longer the alternative. Streaming is the new mainstream and Viva One is the new TV!” pahayag ni Valerie S. del Rosario, president ng Viva Communications, Inc.

Bukod sa pinadaling paraan ng panonood, patuloy ring pinalalawak ng Viva One ang handog nitong content sa pamamagitan ng mga bagong title na idinadagdag sa bawat buwan. Asahan ang mga bagong original series at exclusive movies, behind the scenes featurettes, concerts, Tagalized titles, anime series at iba pang special content na mapapanood sa platform.

Dumalo sa launching sina Carlo Aquino, Ashtine Olviga, KD Estrada, Jairus Aquino, RabGel loveteam nina Rabin Angeles at Angela Muji at marami pang iba na bahagi ng Vivarkada na tumatangkilik sa projects ng kanilang idolo!

Seeds... tuloy sa MMFF!

Walang nilalabag na regulasyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) screening committee ang pelikulang Seeds of Peace kaya tuloy pa rin ito bilang isa sa official entries sa MMFF!

Pagdating naman sa nagawang advance screenings, technical preview ang ginawa dahil hindi pa finished product ang napanood.

Kaya naman masaya ang Claretian Group at pamilya ni Father Rhoel Gallardo sa naging desisyon ng MMFF Executive Committee!

Tuloy sa Dec. 25 ang showing ng The Seeds of Peace mula sa direksyon ni Rommel Galapia Ruiz!

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with