Juliever, pakakasal na!

Matapos ang ilang taon bilang isa sa mga hinahangaang couples sa local showbiz, opisyal nang magpapakasal sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Nagsimula silang mag-date noong February 2022 pagkatapos na maging close dahil sa pagiging co-hosts sa GMA singing contest na The Clash. Naging opisyal silang couple sa concert ni Julie na JulieVerse noong November 2022.
Inanunsyo ng couple ang kanilang engagement noong Lunes sa pamamagitan ng post ng kilalang wedding filmmaker na si Jason Magbanua, na nagbahagi ng heartfelt reel ng romantic milestone nila.
Isa itong bagong kabanata para kina Julie Anne at Rayver, na sinusuportahan ng fans mula pa noong isapubliko nila ang kanilang relasyon.
Sa paglipas ng mga taon, madalas silang magbahagi ng sweet moments sa social media at public appearances na nagpakita ng matatag nilang pagsasama.
Agad na umani ng excitement mula sa fans at fellow celebrities ang balita ng proposal, na matagal nang umaasa sa happily-ever-after ng couple.
Bagamat wala pang detalye tungkol sa proposal at wedding plans, isa ang sigurado: may panibagong dahilan para magdiwang ang JulieVer fans habang naghahanda ang Kapuso couple sa buhay bilang magiging mag-asawa.
Calix, na-overwhelm sa fans
Nakabalik na sa outside world si dating Kapamilya housemate Calix Esguerra matapos ang kanyang stint sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Hindi raw muna nag-post si Calix sa social media sa unang linggo sa labas dahil inuna niya ang pag-hang out kasama ang pamilya at pagpunta sa Baler with friends. Pinaka-na-miss daw niya ang luto ng kanyang lola, lalo na ang caldereta.
Aminado si Calix na nao-overwhelm siya sa pagmamahal ng fans at nami-miss ang mga housemate na tinuring niyang second family.
Tumatak sa kanya ang pagiging weekly task leader kasama si Winwyn Marquez, kung saan natutunan niya ang pagiging responsableng leader at kahalagahan ng komunikasyon, lalo na matapos ang isyu nila ni Primo Alterado.
Pinay 90 day fiancé star, pumanaw sa ‘Pinas
Pumanaw na ang Pinay sa reality dating show na 90 Day Fiancé na si Sheila Mangubat sa edad na 35.
Kinumpirma ng dating fiancé niyang si David Dangerfield ang malungkot na balita sa Instagram post noong Sabado, Nov. 21. “It breaks my heart to share the news from her family that Sheila passed away on Saturday in the Philippines. I am devastated and still trying to process this loss. Thank you for all your love and support.”
Taga-Cebu si Mangubat at nakilala niya si Dangerfield sa isang Facebook group para sa deaf singles noong 2021, at nagkaroon sila ng long-distance romance bago ma-engage.
Ipinakita nila ang kanilang relasyon sa season six ng 90 Day Fiancé: Before the 90 Days ng TLC noong 2023.
Naghiwalay sila noong October 2025 dahil sa K-1 visa issues, pero muling nagkabalikan noong June, ayon sa TMZ.
Naiwan ni Mangubat ang nag-iisa niyang anak na si Jhonreil.
- Latest




















