^

Metro

Abusadong aplikante, ‘wag payagang maging pulis - NAPOLCOM

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi dapat payagang makapasok sa hanay ng pulisya ang mga aplikanteng nagpapakita na ng pagiging abusado bago pa man makapagsuot ng uniporme.

Ito naman ang binigyan-diin ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson at Executive Officer (VCEO) Ralph Calinisan sa isang forum kung saan sinabi nito na nakababahala ang pagkakasangkot ng ilang bagitong pulis at maging mga police intern sa iba’t ibang insidente ng pang-aabuso.

Inihalimbawa nito ang isang intern na nahuling nagmamaneho ng motorsiklong walang plaka at hindi nakasuot ng helmet. Aniya, dapat pa lamang sa proseso ng pagpili sa mga aplikante ay nasasala na ang mga nagpapakita ng ugaling labag sa batas at hindi angkop sa pagiging alagad ng batas.

Nanawagan si Calinisan ng mas mahigpit na recruitment process at regulasyon sa mga review center para sa mga aplikante sa pulisya. Hinikayat din niya ang mga paaralan ng criminology na gampanan ang kanilang papel sa paghubog ng mga kuwalipikado at responsableng pulis.

Binigyang-diin niya na kailangang tutukan ang operasyon ng mga review center dahil hindi umano saklaw ng regulasyon ng Commission on Higher Education (CHED), Professional Regulation Commission (PRC) o NAPOLCOM ang mga ito.

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with