^

Bansa

Prosecution sa VP Sara camp: Igalang senator-judges

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Prosecution sa VP Sara camp: Igalang senator-judges
Vice President Sara Duterte arrives before the start of the impeachment trial at the Senate of the Philippines in Pasay, Metro Manila on July 7, 2026.
Noel Celis, pool / AFP

MANILA, Philippines — Nanawagan ang House prosecution panel sa kampo ni Vice President Sara Duterte na igalang ang Senate impeachment court at ang mga senator-judges sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial.

Ito ay matapos maglabas ng show cause order ang Senado laban kay Atty. Paolo Panelo dahil sa umano’y mga pahayag nito na may kinikilingan ang ilang senator-judges.

Ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, dapat igalang ang bawat senator-judge bilang paggalang na rin sa proseso ng impeachment.

Sabi ni Adiong, maging ang prosecution panel ay nakaranas din ng mga kritisismo mula sa ilang senator-judges, kabilang ang pagkuwestiyon sa ulat ni forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera tungkol sa umano’y P817.87 milyong paglobo ng yaman mula 2022 hanggang 2025.

“May mga senator-judges po diyan na nagsasabing chismis lang ang report ni Atty. Cabrera. Pero hinayaan lang namin iyon at pinairal na magsalita ang ebidensya,” ani Adiong.

Binigyang-diin niya na bahagi ng tungkulin ng senator-judges ang suriin ang mga ebidensya at magtanong sa mga testigong humaharap sa paglilitis.

Sumiklab ang isyu matapos akusahan ni Panelo ang ilang senator-judges ng pagiging bias sa kanilang pagtatanong sa defense witness na si Atty. Rainer dela Fuente, dating opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Iginiit naman ni Panelo na saklaw ng kanyang karapatan sa malayang pamamahayag ang naturang mga pahayag.

Noong Biyernes, pinagpaliwanag ng impeachment court si Panelo sa pamamagitan ng show cause order kaugnay ng kanyang mga kritisismo at umano’y pag-atake sa ilang senator-judges.

Ayon kay Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, bagama’t hindi direktang saklaw ng sub judice rule si Panelo, maaari pa rin itong managot sa contempt sa ilalim ng Rule 71 ng Rules of Court.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with