Choco Mucho babangon laban sa Galeries
MANILA, Philippines — Pipilitin ng Choco Mucho na makabangon mula sa unang pagkatalo, habang ang makasampa sa win column ang misyon ng Galeries Tower sa kanilang upakan sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg.
Lalabanan ng Flying Titans ang Highrisers ngayong alas-6 ng gabi a Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Mag-uunahan ang Farm Fresh Foxies at Akari Chargers sa back-to-back wins sa ala-1 ng hapon.
Tabla sa liderato ang Creamline at Nxled bitbit ang parehong 3-0 baraha kasunod ang Choco Mucho (2-1), Farm Fresh (2-1), Capital1 Solar Energy (2-2), Akari (1-2), PLDT (1-2), ZUS Coffee (0-3) at Galeries Tower (0-3).
Nadiskaril ang hangad na ikatlong sunod na panalo ng Flying Titans nang malusutan ng Foxies, 25-20, 28-26, 23-25, 23-25, 13-15.
Bagsak naman ang Highrisers sa Chameleons, 16-25, 25-22, 17-25, 19-25, sa huli nilang laro.
- Latest



















