^

Pang Movies

Echo best actor, Maris, at marya nag-tie sa Star Awards

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Echo best actor, Maris, at marya nag-tie sa Star Awards
Jericho Rosales

Nag-tie sa Best Actress award sina Maricel Soriano at Maris Racal para sa pagganap nila sa mga pelikulang Meet, Greet, and Bye, and Sunshine respectively sa ginanap na 42nd Star Awards for Movies noong isang gabi.

Sa kanyang acceptance speech, nagpasalamat si Marya sa kanyang mga co-star na sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Juan Karlos Labajo, at Belle Mariano.

Samantala, naging emosyonal naman ang mensahe ni Maris nang balikan niya ang mga rejection at opinyon na kanyang hinarap sa industriya.

Ayon sa aktres, ang mga karanasang ito ang nagpatatag sa kanya bilang artista.

Si Jericho Rosales naman ang nagwaging Best Actor para sa pelikulang Quezon subalit hindi nakarating ang aktor dahil sa nauna na niyang commitment. Sa halip ang direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog ang tumanggap ng award on his behalf.

Tinanghal namang Best Director si Lester Pimentel Ong para sa pelikulang The Delivery Rider na pinagbibidahan nina Baron Geisler, Jake Cuenca, at Jennica Garcia.

Si Richard Quan ang nag-uwi ng Best Supporting Actor award para sa How to Get Away from My Toxic Family habang si Sylvia Sanchez ang nagwagi bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang I’mPerfect.

Sa New Movie Actress of the Year category, kinilala si Krystel Go para sa kanyang pagganap sa I’mPerfect habang si JM Ibarra naman ang nagwagi bilang New Movie Actor of the Year para sa Child No. 82.

Hindi rin nagpahuli sina Ibarra at ang kanyang on-screen partner na si Fyang Smith matapos nilang tanggapin ang Love Team of the Year award.

Sa special awards, kinilala sina Kapamilya superstar Vice Ganda at aktres na si Nadine Lustre bilang Takilya King at Takilya Queen respectively subalit hindi rin sila nakadalo para personal na tanggapin ang award.

Ang director/producer naman na si Chris Cahilig ang nagwa­ging Darling of the Press bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa entertainment industry.

Isa sa highlights nang gabing iyon ang pagpupugay sa movie icon na si Vilma Santos nang tanggapin niya ang PMPC Hall of Fame award.

Isang makasaysayang tribute ang inialay para kay ate Vi na tumagal nang halos isang oras. Tampok dito ang ilan sa kanyang mga legendary films na naging bahagi ng kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Naging mas tumingkad ang parangal nang awitan siya ng kanyang dating onscreen partners na sina Edgar “Bobot” Mortiz at Tirso Cruz III.

Walang tigil naman ang pag-iyak ni Ate Vi sa kanyang upuan habang nagaganap ang pagpupugay sa kanya bago siya tawagin sa stage.

Ginawaran din ng Hall of Fame trophies ang beteranong sound engineer na si Albert Michael Idioma at ang batikang screenwriter na si Ricky Lee, National Artist for Film and Broadcast Arts.

Iginawad naman ang Lifetime Achievement Awards sa tatlong haligi ng showbiz: ang Megastar na si Sharon Cuneta, beteranong aktor na si Rez Cortez, at si Alex Muhlach.

Hindi nakarating si Sharon sa event at sa halip ang anak niyang si Frankie Pangilinan ang tumanggap ng kanyang parangal.

Sa kanyang Instagram account ngayong Lunes ay nagpasalamat si Mega sa PMPC at nagpaliwanag kung bakit hindi siya nakadalo.

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with