Bato may P50 milyon patong sa ulo
‘Armado at mapanganib’- DILG…
MANILA, Philippines — Inihayag nitong Biyernes ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na naglagay na sila ng P50 milyon pabuya para sa ikadarakip ng pugantenng si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na itinuturing nilang “armado at mapanganib”.
“As of today, Senator Bato dela Rosa will be considered armed and dangerous. We are placing a P50 million bounty for his capture,” ani Remulla.
Ang hakbang ay sa gitna ng patuloy na pagtatago ni Dela Rosa, na tinutugis dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court para sa crimes against humanity kaugnay ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Isang linggong palugit naman ang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) kay Dela Rosa upang sumuko sa mga otoridad.
Nagtatago ang senador mula nang umalis siya sa Senado noong Mayo, kasunod nang pagtatangkang ipatupad ang arrest warrant ng ICC.
Una na ring nanawagan ang Palasyo kay Bato na sumuko na lang upang walang dugo na dumanak pa.
- Latest



















