Hog raisers nilarga 3 araw na ‘pork holiday’

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng nasa 800 hog raisers mula sa ibat ibang panig ng bansa ang paglulunsad ng tatlong araw na “Pig Holiday” o “Pork Holiday” kahapon.
Ang protesta ay magtatagal hanggang Sabado, Oktubre 24, upang kalampagin ang pamahalaan sa umano’y matinding pagkalugi ng sektor dahil sa bagsak na presyo ng lokal na baboy at patuloy na pork importation
Sa panahon n protesta, pansamantalang itinigil ng mga hog raisers ang paghahatid, pagkakatay, at pagbebenta ng buhay na baboy sa mga palengke, lalo na sa Metro Manila.
Ang malawakang pagkilos sa Department of Agriculture (DA s Elliptical Road Quezon City ay pinamumunuan ng Pork Producers Federation of the Philippine (Propork) at ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones.
Panawagan ng grupo ang agarang pagpapatigil sa importasyon ng karne ng baboy mula sa ibat ibang bansa sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan dahil sa nararanasang pagkalugi ng sektor
Ayon kay Briones, umaabot sa P350 milyon kada araw ang kabuuang nalulugi sa mga lokal na hog raiser dahil sa pork importation.
Aniya, umaabot sa P180-P190 kada kilo ang production cost ng mga hog raisers sa pagpapalaki ng baboy pero bumagsak ang farmgate price sa P120-P140 kada kilo na nagreresulta sa lugi na hanggang P7,000 kada ulo ng baboy.
Sinasabing dahil sa pagkilos na ito ng mga hog raisers, posibleng magkaroon ng pansamantalang kakulangan o limitadong suplay ng sariwang lokal na baboy sa mga pamilihan sa mga susunod na araw.
- Latest


















