Yulo tatarget ng golds sa World Championships

MANILA, Philippines — Sisimulan ni 20th Asian Games double-gold medalist Carlos Yulo ang kanyang misyon para sa tiket sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, USA sa pagsabak sa 2026 FIG World Artistic Gymnastics Championships na magsisimula ngayon sa Rotterdam, the Netherlands.
Nagmula si Yulo sa pagkubra sa mga gintong medalya sa men’s floor exercise at vault events sa Aichi-Nagoya Asiad.
Naka-tanso naman ang kanyang utol na si Eldrew sa men’s horizontal bar.
Kapwa target ng magkapatid na Yulo na makalaro sa 2028 LA Olympics.
Sasabak sina Carlos at Eldrew sa qualification phase ng world meet bukas ng alas-4 ng hapon.
Kabuuang 24 bansa ang lalahok sa nasabing nine-day meet kung saan nakalatag ang mga Olympic berths.
Ang mga mananalo sa all-around at sa mga apparatus ang mabibigyan ng Olympic spot para sa 2028 LA Games.
Dalawang gold medals din ang inangkin ng 26-anyos na si Carlos sa 2024 Olympics sa Paris, France.
Sa 2025 World Championships na idinaos sa Jakarta, Indonesia ay nakahuha si Carlos ng gintong medalya sa vault at tanso sa floor exercise.
Bago makita sa aksyon sina Carlos at Eldrew ay papagitna muna si Miguel Besana sa kanyang paglahok sa men’s horizontal bar qualifiers.
Hangad naman nina Haylee Garcia at Chiara Dawn Andrew na makaabante sa women’s all-around finals.
- Latest



















