^

Dr. Love

May utol na mahilig mag-post sa social media

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Naiinis ako sa kapatid kong mahilig mag-post sa social media. Biruin mo ba naman, Dr. Love pati problema namin sa pamilya ay bino-broadcast pa sa buong mundo. At talagang updated ang mga netizen sa anumang status ng kalagayan namin. Bagay na tutol ako nang sobra.

Wala namang kinalaman ang ibang tao na nasa friend list niya, tungkol sa aming pamilya. At isa pa, hindi kami public fugure gaya ng mga artista at iba pang sikat na tao para isapubliko ang aming personal na buhay.

Ayaw ko po talaga ng ganun. Dahil ang gusto ko ay pribado at tahimik lang kami. Hindi ko lang maintindihan ang ate ko, na konting kibot ay click agad siya, na para bang sabik sa mga like at comments. Gusto ni ate na mapansin agad siya ng ibang tao.

Ang ihihingi ko po ng payo ay kung paano ko maipapaliwanag kay ate na huwag niyang isangkot ang pamilya namin sa kalokohan niya?

Aryan

Dear Aryan,

Sa reyalidad, sa ganyang paraan sinasanay ng social media ang maraming tao, ang hangarin makakuha ng atensiyon, kahit pa mistulang iginigisa ang sarili o kaya’y ang sariling pamilya sa sariling mantika. ‘Yan ang uso eh.

Ang social media ay nagiging outlet ng marami para makapag-express anila ng kanilang sarili.

Magkagayunman, ang payo ko ay ganito, sikapin mong maipaliwanag sa iyong ate na limitahan ang pag-share para mabigyan ng privacy ang inyong pamilya o kaya’y huwag kang isali o i-tag para hindi ka apektado sa mga posting niya sa social media. May advantage at disadvantage ang ginagawa niya, pero kailangang irespeto niya ang kahili-
ngan ng bawat miyembro ng inyong pamilya. Sabihin mo na kung naiinis siya, frustrated o disappointed, mag-rant siya pero hindi dapat naka-public view. Dahil hindi naman lahat ng tao ay magmamalasakit sa kanya, malaking pa nga ang chance na maka-encounter siya ng basher. Tandaan natin na hindi matatagpuan ang comfort at tunay na sympathy virtually, kaya mag-isip muna bago mag-post.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with