Rave Victoria at Lance Jeremy, bumida sa Vertical Serye

May bagong mabilisang kilig na aabangan sa iWant, handog ang kauna-unahang boys’ love vertical drama serye nitong Coach Me Maybe tampok ang dating Pinoy Big Brother Collab 2.0 housemate Rave Victoria at bagong heartthrob na si Lance Jeremy.
Sesentro ang vertical serye sa queer love na nagsimula sa tunggalian ng judo champion na si Alpha (Lance) at academic achiever na si Romeo (Rave). Para pagselosin ang kanyang ex, kukuntsabahin ni Alpha si Romeo na magpanggap na sila’y nasa isang relasyon, pero mauwi kaya sa totohanan ang kanilang pagpapanggap?
Tampok din sa BL serye sina Christian Vazquez at Valerie Concepcion, kasama sina Kanata Tapia, Rhianna Santiago, Iñigo Jose, Josh Worsley at Ian Lubrica.
Ito ay sa direksyon ni Theodore Boborol, na direktor din ng hit reality-queer dating series na Sparks Camp na ngayo’y palabas ang ikaapat nitong season sa iWant.
Abangan ang BL vertical serye na Coach Me Maybe exclusively sa iWant.
Bago ang premiere nito, palabas pa rin ang ilan sa mga bagong vertical serye nitong Half Sisters at A Cake to Remember na mapapanood sa pamamagitan ng iWant subscription plans sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.
- Latest

























