^

Metro

5 pulis-Taguig sibak sa ‘hulidap’

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 pulis-Taguig sibak sa ‘hulidap’
Taguig City is the ninth most populous area in the country.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Limang pulis kabilang ang kanilang hepe ang tinanggal sa puwesto matapos na masangkot sa insidente ng  “hulidap” sa Taguig City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Allen Rae Co nitong Biyernes, apat sa mga

pulis na sinasabing sangkot sa insidente at  hepe ng kanilang substation ang sinibak upang matiyak ang patas at walang kinikili­ngang imbestigasyon.

Lumilitaw na isang 24-anyos na lalaki ang  nagreklamo matapos na makatakas sa hinihina­lang insidente ng hulidap na sinita at pinosasan ng ilang lalaking nagpakilalang mga pulis noong Oktubre 6.

Sinasabing rumes­ponde ang apat na pulis sa natanggap na ulat na isang indibidwal ang gumagamit ng marijuana sa Brgy. Lower Bicutan.

Dito ay tinangka ng mga pulis na arestuhin  ang biktima subalit naharang ng ilang tao sa lugar. Dahil dito, nagpasya umano ang mga pulis na lisanin ang lugar.

Ayon sa pamilya ng biktima, kauuwi lang ng lalaki matapos sunduin ang kanyang kasintahan at papunta sana sa malapit na tindahan nang paratangan umano siya ng mga lalaki na miyembro ng robbery group at pilitin siyang isama.

Nagpasaklolo sa mga residente ang lalaki at nag­resulta upang mapigilan siyang isama ng mga pulis.

Nabatid na nitong Huwebes, Oktubre 8, nang magsagawa ng imbestigasyon ang Taguig CPS hinggil sa kumalat na video na kinasasangkutan ng apat na pulis, na kung mapapatunayan na may ma­ling ginawa ay sasampahan sila ng kaukulang kasong administratibo o legal na aksyon, alinsunod sa umiiral na batas.

PNP

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with