^

Police Metro

Vice Mayor at mga Kapitan, nagsigawan, nagmurahan sa sesyon

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matinding sigawan, durohan, at palitan ng maaanghang na salita sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan sa Reina Mercedes, Isabela noong Oktubre 5, 2026, sa pagitan nina Vice Mayor Jeryll Harold Respicio at ng ilang mga opisyal ng barangay.

Ang naturang insidente ay naging viral matapos itong maipalabas nang live sa Facebook account ng bise alkalde.

Nabatid na nagsimula ang tensyon nang kwestiyunin at isa-isang hingan ni Vice Mayor Respicio ng updates ang mga punong barangay ukol sa katayuan ng mga proyektong pinondohan mula sa tobacco excise tax (na nagkakahalaga ng P66 milyong piso) noong nakaraang taon.

Giit ni Respicio, nais ng mga tobacco farmers na sila mismo ang direktang makinabang sa tulong pinansyal alinsunod sa batas, sa halip na mapunta ito sa mga hindi natatapos o mga “ghost projects”.

Kinuwestiyon din ni Respicio ang isang umano’y proyektong nagkakahalaga ng P5 milyon na hindi natapos. Ipinagtanggol naman ng mga opisyal ng barangay ang kanilang mga budget.

Nagalit ang kapitan ng Barangay Sinippil at sinita ang bise alkalde dahil sa umano’y paninindak, panduduro, at pasigaw nitong paraan ng pagtatanong.

Habang tumatagal ang sesyon, lalong uminit ang palitan ng salita nang magkaduruhan ang dalawang panig

Tinawag ng kapitan ng Barangay Sinippil na “bastos” si Respicio na sumagot naman ito nang paulit-ulit na sinabihan ng “magnanakaw” ang mga kapitan.

Dahil sa tindi ng sagutan, kinailangan pa ng interbensyon ng mga pulis at mga security officer sa loob ng bulwagan upang mapanatili ang kapayapaan at hindi tuluyang magkasakitan ang mga opisyal.

Sa isang hiwalay na pahayag, ipinagtanggol ni Mayor Malou Respicio-Saguban ang munisipyo at sinabing ang paglalaan ng pondo mula sa tobacco excise tax ay legal, dumaan sa tamang guidelines, at nakalaan para sa pangmatagalang pamumuhunan sa mga barangay.

Sa huli, humingi rin si Respicio ng paumanhin sa mga kapitan at nagkapatawaran ang mga ito matapos ang mainit na insidente.

TOBACCO EXCISE TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with