^

Metro

Publiko, binalaan sa ‘Ber Months’ travel at hotel scams

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Publiko, binalaan sa ‘Ber Months’ travel at hotel scams
Ayon kay NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano, dapat maging mapanuri ang publiko sa pag-book online ng hotel, resort, airline ticket, tour package at iba pang travel-related services, lalo na sa mga alok na sobrang baba ng presyo o may malalaking discount.
The STAR / Rudy Santos

MANILA, Philippines — Binalaan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko laban sa mga pekeng hotel accommodation, travel promotion at iba pang online scam na maaaring lumaganap ngayong “Ber Months.”

Ayon kay NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano, dapat maging mapanuri ang publiko sa pag-book online ng hotel, resort, airline ticket, tour package at iba pang travel-related services, lalo na sa mga alok na sobrang baba ng presyo o may malalaking discount.

Payo ni Abrahano, tiyaking lehitimo ang hotel, travel agency o booking account bago magbayad at direktang beripikahin ang booking sa opisyal na website o verified contact channels ng establisimyento.

Hinimok din ng NCRPO ang publiko na iwasang magpadala ng bayad sa personal na account para sa mga transaksyong pangnegosyo at huwag ibigay ang password, one-time password (OTP), banking credentials at iba pang sensitibong impormasyon. Hindi rin dapat magpadala sa pressure ng umano’y flash sale o offer na may agarang deadline.

Kung mabiktima ng online travel scam, pina­yuhan ang publiko na itago ang mga screenshot, resibo, account details at iba pang rekord ng transaksyon at agad itong i-report sa awtoridad.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with