Gregorio proud sa Pinoy athletes

NAGOYA, Japan — Ipinagbunyi kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Pato” Gregorio, kasama sina PSC Commissioner Walter Torres at Executive Director Atty. Guillermo Iroy, ang ipinakita ng Team Philippines sa 20th Asian Games dito.
Tampok dito ang pagkolekta ng mga national athletes ng medalya mula 18 hanggang 19 sports na nagpahiwatig ng paglakas ng Philippine grassroots at elite sports development.
Binati rin ni Gregorio sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at Secretary General Wharton Chan pati na ang mga National Sports Associations (NSAs).
“We’re very happy we won so many medals in so many sports—kung ’di po ako nagkakamali, 18, 19 sports. In China (2023 Hangzhou Asian Games), we won in 11 sports. Iyan po ang malaking pagbabago, at ’yan po ang importante sa ating development ng Philippine sports, sa ating grassroots program,” ani Gregorio.
Humigit-kumulang sa P35 milyong cash Incentives ang ipapamahagi sa mga atletang kumolekta ng apat na gold, siyam na silver at 16 bronze medals.
Sinabi ni Gregorio na nagsasagawa na ang PSC ng initial computation ng government cash incentives para sa mga Filipino medalists at kanilang coaches.
Maaari pa itong lumobo sa tulong ng mga corporate sponsors bukod pa sa ibibigay ng Office of the President.
- Latest
























