^

Dr. Love

Aasa pa ba sa pangakong uuwi?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa lahat ng okasyon, ang pinakaayaw ko ay ang Christmas season. Habang ang lahat ay excited, ang puso ko naman ay laging nalulungkot tuwing magpa-Pasko.

Taun-taon kasi ipinapangako ng boyfriend ko na uuwi siya ng Pilipinas mula Dubai, pero laging napapako ang pangako niya. Pati ang plano naming pagpapakasal ay naudlot na rin.

Limang taon na akong naghihintay, at hindi na rin ako bumabata. May mga panahon na hindi rin siya active sa Facebook kaya hindi kami nagkakausap. Sabi ng mga kaibigan ko, kung talagang gusto niyang umuwi, gagawa siya ng paraan. Hinala nila, baka may iba na siyang girlfriend sa Dubai at pinapaasa lang ako.

Tama kaya ang hinala nila? Dapat pa ba akong maghintay?

Tanya

 

Dear Tanya,

Hindi natin masasabi kung may iba siyang babae dahil lamang sa hindi niya pag-uwi o pagiging hindi active sa Facebook. Maaaring may mga dahilan siyang hindi mo alam. Pero may isang bagay na malinaw, limang taon na ang lumipas at kailangan mo nang malaman kung saan talaga patungo ang relasyon ninyo.

Ang pagmamahal ay hindi lamang tungkol sa paghihintay. Kaila-ngan din itong samahan ng malinaw na komunikasyon, konkretong plano at pagkilos mula sa dalawang tao na nasa relasyon.

Kausapin mo siya nang seryoso at diretsahan. Tanungin mo kung gusto pa ba niyang ipagpatuloy ang relasyon ninyo. Bigyan mo rin ang sarili mo ng hangganan kung hanggang kailan ka lang makakapaghintay.

Kung malinaw at may konkretong hakbang siya, maaari ninyong pag-usapan kung paano ninyo haharapin ang mga hadlang. Pero kung paulit-ulit na lamang ang pangako, at ikaw lang ang patuloy na naghihintay, kailangan mo ring isipin ang sarili mong kinabukasan.

Dr. Love

CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with