^

Dr. Love

Napagbubuntunan ng galit

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po akong Sonia. Lu-malapit po ako sa inyo dahil hindi ko na alam kung paano dadalhin ang sitwasyon naming mag-asawa.

Sobrang bigat po ng pressure sa trabaho ng mister ko ngayon. Naiintindihan ko naman po ang pagod niya, pero ang masakit, sa akin niya nailalabas ang lahat ng inis at galit niya.

Pag-uwi niya sa bahay, kahit sa maliliit na bagay lang ay madalas na niya akong masigawan.

Mahal na mahal ko po ang asawa ko at ayaw ko nang makipag-away, kaya madalas ay nanahimik na lang ako para walang gulo. Pero nararamdaman ko na unti-unti na akong nauubos at napapagod.

Paano ko po kaya siya makakausap nang maayos para ma-realize niya na nasasaktan ako, nang hindi kami nag-aaway at hindi nakakadagdag sa pressure na nararamdaman niya? Sana po ay mabigyan niyo ako ng payo.

Sonia

 

Dear Sonia,

Naiintindihan ko ang kabaitan at pagtitimpi mo, pero alalahanin mo, ang pagod sa trabaho ay kalian man hindi sapat na dahilan para gawin kang saluhan ng galit ng iyong asawa.

Ang bahay ay dapat ninyong pahingahan pareho, hindi lugar kung saan ka natatakot o nasasaktan.

Ang pananahimik mo ay hindi nagtatama ng mali, pinapatagal lang nito ang sakit na unti-unting makasisira sa inyong dalawa.

Para maiparating mo ito sa kanya nang walang away, sika-pinmo na pumili ng tamang oras.

Huwag makipag-usap kapag mainit ang ulo niya o kauuwi lang mula sa trabaho. Mag-usap kayo kapag pareho kayong kalmado, tulad ng araw ng inyong pahinga.

Magsalita ka nang hindi nanunumbat. Imbes na sabihing “Lagi mo na lang akong sinisigawan,” subukan mong sabihin na “naiintindihan ko ang stress mo sa trabaho at gusto kitang suportahan, pero kapag nasisigawan mo ako, sobrang nasasaktan ako.”

Bigyan mo siya ng oras na magpalipas ng pagod. Pagkababa niya ng gamit sa bahay, bigyan mo muna siya ng 20-30 minutong pahinga bago ka mag-open ng anumang usapin.

Kung tunay ka niyang mahal, magigising ang puso niya kapag na-realize niyang ang taong dapat niyang pinoprotekta-
han ang siya na palang nasasaktan niya.

Kasama mo ako sa panalangin na maging maayos ang lahat sa ninyong mag-asawa.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with