^

Pang Movies

Mimiyuuuh, humirit na naka-relate kay Annie!

Dianne Canlas - Pang-masa
Mimiyuuuh, humirit na naka-relate kay Annie!
Atasha

MANILA, Philippines — Isang linggo matapos ang opening night ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical, ginanap ang Gala Night nito noong Sept. 25, Biyernes, sa Newport Performing Arts Theater (NPAT).

Bongga pa rin dahil siksik at puno ang NPAT.

Pinagbibidahan ni Atasha Muhlach at kanyang leading men na sina Sam Concepcion, KD Estrada, Anthony Rosaldo at Jeff Moses ang BKD: The Annie Batungbakal Musical na naghandog ng ilang kanta ang ibang cast na sina Anthony Rosaldo, Yani Lopez at Ring Antonio bago nag-umpisa ang show.

Spotted naman sa audience ang ilan sa mga kilalang personalidad gaya nina First Lady Liza Araneta-Marcos, Ice Seguerra at Liza Diño, Stell, Mimiyuuuh, ang Bagets The Musical actor na si Noel Comia, Viva artists na sina Lexi Grey at Lee Crisologo.

Naroon din ang mag-asawang Jerald Napoles at Kim Molina, na parehong theater performers, upang magpahatid ng suporta sa anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Samantala, parang nakikita raw ng content creator na si Mimiyuuuh, na isa ring fashion designer, ang sarili sa karakter ni Atasha bilang Annie Batungbakal. “Parang nakaka-relate ako sa kanya kasi parang… syempre gusto ko rin fashion-fashion pero before fashion-fashion, kailangan magtrabaho, kumayod, oo, para may pang-fashion.

“‘Di ba ang Bongga Ka ‘Day ang setting niya during the 1970s, and 1970s is a year full of colors, bell bottoms, and kabonggahan so this is the inspo,” sabay pakita ng YouTuber sa kanyang outfit sa Gala Night na naka-bell bottom pants.

Hindi lang Boomers, Gen X at millennials ang nag-enjoy at mag-e-enjoy sa musical na ito dahil pati ang mga Gen Z ay napapaindak sa Manila sound na binuhay rito.

Kakaibang nostalgia nga raw ang hatid ng palabas kung saan maraming alaala mula sa nakaraan ang nagbalik kina Liza Diño kung saan ipinost niya ang litrato nila ng mister na si Ice sa NPAT.

Isa sa mga Gen Z na puring-puri rin ang show ay ang Viva actor na si Lee Crisologo at dahil nga raw rito ay naging pamilyar siya sa pormahan noong ‘70s at sa mga awitin ng Hotdog, ang bandang binuo ng magkapatid na Dennis at Rene Garcia. “Actually, ‘yung show is nice. Ang ganda-ganda nung show. Sa akin kasi, ako kasi Gen Z ako, ‘yung show na ito parang na-introduce ako sa fashion ng ‘70s at sa music ng Hotdog. Sobrang galing na composer ni Sir Dennis Garcia. Sobrang galing na actress ni Ate Atasha and si Kuya Sam. So sabi ko ‘it’s really nice!’” sey niya.

Lutang ang chemistry nina Atasha at Sam, na gumanap bilang Romer Pasion, habang si KD naman bilang Burn kaya hati ang boto sa dalawang leading men.

 Wala ring kupas ang co-actors ni Atasha na sina Jackie Lou Blanco at ang komed­yanteng si John ‘Sweet’ Lapus na nagpahagikhik sa theatregoers sa palitan ng kanilang linya.

In fairness sa kambal ni Andres Muhlach, wala itong kaarte-arte na napaka-accommodating sa kanyang fans. Nilapitan niya pa ang mga ito na yumakap sa kanya at kinailangan pa siyang hilahin ni KD dahil baka maipit nga ito. 

Samantala, present din doon ang tatlong executives sa likod ng major theatrical production ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical na sina Sir Miguel Belmonte, President and CEO ng The Philippine STAR, Boss Vic del Rosario, chairman ng Viva Communications Inc., at Mr. Kevin Tan, executive chairman ng Newport World Resorts.

                                         

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with