Julia, nakaisa kay Charles

May mga pa-block screening pala ang friends ng girlfriend ni Joshua Garcia, ang French-Filipina golfer na si Emilienne Vigier, sa pelikulang Always Yours, Never Mine.
May mga ina-upload itong mga kasama si Joshua habang nasa sinehan kasama ang mga kaibigan.
Obviously, walang selosang naganap sa kabila ng intimate scenes ng mag-ex na sina Joshua at Julia Barretto sa nasabing pelikula.
In fact, matamis pa nga ang birthday greeting nito sa karelasyong actor na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang Miyerkules.
Andun ang isang video nina Emilienne at Joshua habang bahagyang sumasayaw. May kalakip itong pagbati ng happy birthday at “jtmm.” Sa French ang “jtmm” ay “Je t’aime” o “I love you” ang meaning.
Meaning secured ito sa relasyon nila ng actor.
Anyway, si Julia naman ay hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin tungkol sa diumano’y karelasyon nito sa kasalukuyan.
Inili-link si Julia kay Lucas Lorenzo, kilalang negosyante at CEO ng Restaurant Concepts Group, Inc. – Barcino, Single Origin, Meat Depot at Bluesmith.
Bagama’t hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon, madalas silang nakikitang magkasama sa mga private gathering kasama ang pamilya nila.
Si Lucas Lorenzo ay kapatid nina Basti Lorenzo (na asawa ng kapatid ni Julia na si Claudia Barretto) at Mateo Lorenzo (na asawa ng aktres na si Erich Gonzales).
Samantala, napa-sana all naman ang followers ni Julia na nakasama sa photo op ang Formula 1 driver na si Charles Leclerc na nasa Singapore para sa ibang brand.
Pero kasal na si Charles, kaya ‘wag mang-intriga.
- Latest




















