P2.6 milyon kemikal, gamit sa illegal mining nasamsam
MANILA, Philippines — Nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang P2.6 milyong halaga ng mga kagamitan at kemikal na umano’y ginagamit sa iligal na small-scale mining operation sa Brgy. Bulo, Buenavista, Quezon noong Setyembre 22.
Batay sa report na tinanggap ni CIDG chief P MGen. Robert Alexande Morico II isinagawa ng CIDG-Quezon Provincial Field Unit, katuwang ang Provincial Mining Regulatory Board, PNP units, Philippine Army at mga lokal na opisyal, ang pagsisilbi ng search warrant dahil sa paglabag umano sa Republic Act No. 7076 o People’s Small-Scale Mining Act of 1991, kaugnay ng Executive Order No. 79.
Kabilang sa mga nakumpiska ang mga sako ng mine tailings at apog, lalagyan ng nitric acid, compressors, dynamos, submersible pumps, generator set, ball mills, isang lalagyan ng hinihinalang sodium cyanide, at mga silver compound na umano’y ginagamit sa pagproseso ng ginto. Tinatayang nasa ?2,608,900 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiska.
- Latest




















