^

PSN Palaro

Cone ire-review ang Gilas program

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rerebisahin ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang programa nito matapos mabigong madepensahan ang korona sa 2026 Asian Games na ginanap sa Nagoya, Japan.

Hindi pinalad ang Pinoy cagers na makapasok sa quarterfinals kung saan nagtapos ito sa ikasiyam na puwesto — ang pinakamasaklap na pagtatapos ng Pilipinas sa naturang quadrennial meet.

Nahulog sa 1-2 rekord ang Gilas Pilipinas sa group stage matapos matalo sa Bahrain at China.

Tanging panalo lamang nito ay kontra sa Kazakhs­tan. Dahil dito, kaliwa’t kanan ang batikos na natanggap ng Gilas Pilipinas sa social media kasama pa ang ilang mga basketball personalities.

Kaya naman muling pag-aaralan ni Cone kung ano ang mga nangyari.

Kabilang na rito ang availability ng mga players.

“There will be a full review,” ani Cone.

Matatandaang dalawang teams ang binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers fourth window at para sa Asian Games.

Magkaibang teams ito dahil hindi makakapaglaro ang mayorya ng mga pla­yers na naglaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Asian Games.

Dahil dito, humugot ang SBP ng mga players mula sa PBA na siyang naatasang depensahan ang korona ng Gilas Pilipinas sa Asian Games.

Hindi nakapaglaro sa Asian Games sina Kai Sot­­to kasama sina Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo at Kevin Quiambao dahil sa kanilang commitments sa kani-kanyang teams sa Japan at South Korea.

Wala rin si naturalized player Justin Brownlee na nagpapagaling ng injury sa Amerika.

Hindi naman umabot ang naturalization papers ni Bennie Boatwright habang nasa Europe naman si Ange Kouame na isa ring naturalized player.  

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with