Ate ni Kim Chiu inaresto sa qualified theft

MANILA, Philippines — Inaresto kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) si Lakambini “Lakam” Chiu, kapatid ng aktres na si Kim Chiu, sa Mandaluyong City kaugnay ng 124 counts ng kasong qualified theft.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng QC Regional Trial Court Branch 84, dinakip si Lakam, 45, bandang alas-4:06 ng hapon sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.
Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyon na nawawala ang humi?it-kumulang P44.4 milyon na pondo ng House of Little Bunny (HOLB) Philippines Inc., isang kumpanyang kapwa itinatag ng magkapatid na kung saan si Lakam ay nagsilbing corporate secretary at general manager ng kumpanya.
Nagtakda ang korte ng inirekomendang piyansa na P5.838 milyon.
- Latest




















